^

Metro

81 Drug pushers tiklo sa P9.1 milyong droga sa Metro Manila

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
81 Drug pushers tiklo sa P9.1 milyong droga sa Metro Manila
Sinabi ni NCRPO Director Major Gen. Anthony Aberin, ang operasyon ay isinagawa mula Mayo 20-23 sa iba’t-ibang dako ng Metro Manila kaugnay ng pinalakas na kampanya kontra illegal na droga.
KJ Rosales/ File

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga elemento ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod ng pagkakaaresto sa 81 drug pushers habang nasa P 9.1 M naman halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa loob ng 3 araw na operasyon sa Metro Manila, ayon sa opisyal nitong Sabado.

Sinabi ni NCRPO Director Major Gen. Anthony Aberin, ang operasyon ay isinagawa mula Mayo 20-23 sa iba’t-ibang dako ng Metro Manila kaugnay ng pinalakas na kampanya kontra illegal na droga.

“We are taking the fight directly against the enemies in the frontlines-the street-level pushers”, saad ni Aberin na sinabing alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na linisin ang mga kalye sa NCR sa mga drug pushers.

Sa report, ang pina­kamataas na nairekord ng mga naaresto ay sa hurisdiksyon ng Sout­hern Police District (SPD) sa 25 nabitag na suspect, sumunod naman ang Eastern Police District (EPD0 16 at Que­zon City Police District (QCPD) na nasa 18 ang bilang. Ang Northern Police District (NPD) ay nakahuli naman ng 12 habang ang Manila Police District ay nasa lima ang nasakote.

Kabilang sa mga nasakote ay ang dalawang bagong tinukoy na high value indivi­duals (HVI), isa rito ay 18-anyos na babaeng tulak na nakumpiskahan ng EPD ng 792.44 gramo ng shabu na nakatago sa plastic containers sa operasyon sa Pasig City.

Nagpapatuloy naman ang pinalakas na anti-drug campaign ng NCRPO upang ma­ging payapa at ligtas ang komunidad.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with