^

Metro

Pulis sinaksak ng amok

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Saksak sa ulo at dibdib ang natamo ng isang matapang na pulis matapos na magresponde sa komosyon ng mag-amok ang isang umano’y drug addict  sa Parañaque City, nitong Biyernes.

Sa report ng Parañaque City Police, si P/Staff Sergeant Carlo Sotelo Navarro, 45, nakatalaga sa BF Homes Police Substation (SS-5), ay nasaksak sa pagnanais niyang mapayapa ang naghuhuramentadong suspect na si alyas “Arnold”, residente ng Creek Drive 2, Barangay San Antonio ng lungsod.

Dakong alas-10:45 ng umaga ng Mayo 23, 2025 nang maganap ang insidente sa Creek Drive 1, Valley 8 kung saan nag-amok ang suspect na armado ng patalim at nagresponde sina P/Staff Sgt Navarro at isang P/Staff Sgt. Maret sa tawag ng concerned citizen na agresibong naghahamon ng away ang pasaway na suspect.

Kasama rin sa pagresponde ang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) nang lalo pang naging agresibo ang suspect at hawak ang patalim na umatake kay Navarro kaya sinagupa ito upang mapigilan subalit sinaksak siya sa ulo at sa dibdib.

Gayunman, sa kabila ng mga tama ay nagawang makontrol ni Navarro ang suspect at ni Maret katuwang ang BPAT. Nakakulong na ang suspect na nakatakdang sampahan ng reklamo.

Pinurihan naman ni Southern Police District Acting Director P/Brig. Gen. Joseph Arguelles ang katapangan ni Navarro.

BF

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with