Puganteng Koreano tiklo sa Pasay City

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pasay City ang isang puganteng Koreano na walong taon na nagtatago sa bansa.
Sa ulat na isinumite kay NBI Director Judge Jaime Santiago, Mayo 22, 2025, tagumpay ang pag-aresto sa puganteng si Jang Seong Woong, na may warrant of arrest mula sa Daegu District Court sa kasong Kidnapping at Serious Physical Injury, batay sa Interpol Red Notice.
Batay sa natanggap na komunikasyon at request mula sa Consul ng Embassy of the Republic of Korea ng Bureau of Immigration, sangkot si Woong at kaniyang mga kasamahan sa gang na nagkulong ng isang lalaking may pagkakautang sa sugal at pinagpapalo nila ng baseball bat.
Noong Mayo 2017 nang dumating sa Pilipinas si Woong bilang turista at tuluyan nang nagtago kaya nasali ang pangalan sa blacklist order.
Nadakip siya sa operasyon ng NBI-Transnational Crime Division, katuwang ang BI-Fugitive Search Unit at pakikipagtulungan ng Korean National Police Agency (KNPA) at Philippine Air Force Military Intelligence.
- Latest