^

Metro

P130 milyong danyos hingi ng SCTEX road crash victims sa Solid North

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humihingi ng P130 milyong danyos ang mga pamilya ng mga nasawi sa karambola sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) matapos na maghain ng civil cases laban sa Solid North bus company.

Personal na sinamahan ni Transport Secretary Vince Dizon ang pamilya nina Jonjon at Daina Janica Alinas sa pagsasampa ng kasong sibil sa Quezon City Hall of Justice.

“P50 milyong danyos ang hinihingi ng pamilya para sa pagkamatay ng mga biktima, pati na para sa loss of income at moral and exemplary damages, ayon sa pahayag ng DOTr.

Ang iba pang kaanak ng ibang namatay sa nasabing road crash ay naghain na rin ng kasong sibil sa Antipolo City court.

Matatandaang 10 ang namatay, kabilang ang apat na bata at mahigit 37 ang nasaktan at nasugatan sa naganap sa SCTEX na karambola noong Mayo 1, 2025.

Negatibo naman sa alcohol at iligal na droga ang driver ng bus na sinasabing responsable sa pangyayari.

Suspendido naman sa operasyon ang Solid North Transit Inc. sa utos ng DOTr.

SCTEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with