^

Metro

2 coed, kalaboso sa P5.3 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 coed, kalaboso sa P5.3 milyong shabu
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina ‘Emma’, 19 at ‘Cristy’, 18, kapwa residente ng Brgy. Pinagbuhatan at itinuturing na newly-identified High-Value Individuals (HVI).
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang estudyante nang mahulihan ng nasa P5.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang anti-illegal drugs operation sa Pasig City kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina ‘Emma’, 19 at ‘Cristy’, 18, kapwa residente ng Brgy. Pinagbuhatan at itinuturing na newly-identified High-Value Individuals (HVI).

Personal namang pinuntahan ni Eastern Police District (EPD) Offi­cer-In-Charge (OIC) PBGEN Aden Lagradante ang nasabing operasyon kung saan nasamsam ang 10 malalaking pakete ng iligal na droga na may timbang na nasa 792.44 na gramo at nagkakahalaga ng P5.3 milyon.

Kaugnay nito, pinuri at pinasalamatan naman ni Lagradante ang mga operatiba ng DDEU sa kanilang dedikasyon at husay sa pagsasagawa ng operasyon.

“Ang tagumpay na ito ng ating mga kapulisan ay patunay sa aming patuloy na pagsisikap at buong tapang na pagtupad sa aming tungkulin upang labanan ang iligal na droga maging ang iba pang krimen na sumisira sa ating lipunan,” ani Lagradante.

Nakapiit na ang mga suspek sa Pasig City Police Station, na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

EMMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with