Mayor Joy: QCitizens e-enroll sa PhilHealth’s Konsulta package

MANILA, Philippines — Plano ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na e-enroll ang lahat ng residente ng Quezon City sa Konsulta package ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) upang maging abot kaya ng mga ito ang pangangalaga sa kalusugan.
Aniya, ang health care program ay isa sa kanyang planong gawin sa huling tatlong taon bilang Mayor ng QC.
“Ang plano ko sana, ma-enroll lahat ng QCitizens sa Konsulta package para kahit papaano ay puwede silang umasa ng free check ups at ‘di matakot sa presyo,” pahayag ni Belmonte.
Ang Konsulta package ay libreng outpatient benefit package mula sa pagkonsulta sa doctor, health screening at assessment sa piling laboratory diagnostic tests, at piling gamot na nais nilang piliin ng pasyente sa alinmang PhilHealth-accredited facilities.
Ang lahat ng PhilHealth-registered members at kanilang dependents ang maaaring maka avail ng health package.
- Latest