^

Metro

Mga akusado sa Anson Que kidnap-slay case, iniharap na sa DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humarap na sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) ang itinuturong mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que na si Gong Wen Li o Kelly Tan Lim.

Si Gong ay naaresto sa isang resort sa sa Boracay noong May 17 kasama si Wu Ja Ping, na nagsilbi namang hairdresser ni Gong.

Matatandaang siya ang nakitang huling kasama ni Que bago ito mawala. Ito rin ang sinasabi ng iba pang suspek na nanghingi ng ransom na P200-milyon sa pamilya ng biktima kung  saan ang P100 milyon ay ipinamahagi sa iba’t ibang e-wallets.

Tinututukan ng PNP ang pagbawi sa ransom money.

Samantala, humarap din sa preliminary investigation ng DOJ si Alvin Que, anak ng Steel magnate upang igiit na wala siyang kinalaman sa kaso.

Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Pearlito Campanilla, naghain si Alvin ng kanyang sworn affidavit at itinanggi na may kinalaman siya sa pagpatay. Laman umano nito ang mahahahalagang impormasyon kaugnay ang kaso.

Sa huli, sinabi nitong umaasa ang buong pamilya-Que na maibibigay ang hustisya sa insidente.

DOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with