^

Metro

Senior, patay sa hataw ng martilyo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang senior citizen matapos na hatawin ng martilyo ng tatay ng lalaki na kanyang  sinita at itinulak kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City.

Naisugod pa sa Bernardino Hospital ang biktimang si Aniceto Fernandez Tuquero, 67, pintor, residente ng Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City subalit namatay din makalipas ang  ilang  oras.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Bong de Guzman, 45, naninirahan  sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City

Ayon sa imbestigasyon Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente bandang alas-8:10 ng gabi nitong Martes sa Amethyst HOA, No. 29 Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan, ng nabanggit na lungsod.

Bago ang insidente, naglalakad ang mga saksing sina Jeffrey de Jesus, menor-de-edad na si AYG at Manuel Domingo matapos ang pag-iinuman sa  bahay ng huli.

Nakasalubong ng  tatlo ng  biktima at nagtanong kung sila ay mga addict. Tumugon si Domingo ng hindi gayundin si AYG subalit tinulak pa ito ng biktima kaya nalalag ang karga-karga ng 7 buwang gulang na anak nito.

Nakita naman ng suspek ang nangyari kaya  sinita ang biktima at hinataw ng martilyo sa ulo. Agad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

ANICETO FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with