14 milyong Pinoy target mabenipisyuhan ng P20/kilo rice program
MANILA, Philippines — Target ng Department of Agriculture (DA) na mabenepisyuhan ng P20 per kilo rice program ang nasa 14 milyong Pinoy sa Setyembre.
Ang pilot program na unang nailunsad noong May 1 sa piling lugar sa Visayas at ngayo’y target na palawakin ito kabilang ang mga rehiyon sa Luzon at Mindanao.
“On top of the list for the second phase, which begins in July, is Zamboanga del Norte, with a poverty incidence of 37.7 percent. Also included are Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Maguindanao del Sur, Maguindanao, Davao Oriental, Sorsogon, and Maguindanao del Norte,” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel.
Aniya ang third phase na sisimulan sa Setyembre ay sa Sultan Kudarat, Lanao del Norte, Catanduanes, Agusan del Sur, Sarangani, at Dinagat Islands.
Ang murang bigas ay mula sa National Food Authority (NFA) na may kasalukuyang inventory na halos 8 milyong 50-kilo bags ng milled rice.
Sinabi ni Tiu Laurel na ang expanded pilot test para sa P20 rice ay magbebenepisyo sa higit 3.3 milyong households o nasa 14 milyong pinoy.
Sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo program, tanging ang mga nasa vulnerable sectors lamang tulad ng indigents, senior citizens, persons with disabilities, at solo parents ang maaaring makabili ng P20 per kilo NFA rice.
- Latest