^

Metro

Magpinsang paslit, natusta sa sunog sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Magpinsang paslit, natusta sa sunog sa Maynila
Ilang residente ang nagbabakasakaling may maisasalba pang gamit matapos na tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa Road 12, Phase 1, Barangay 628, Sta. Mesa, Manila kung saan dalawang paslit ang nasawi.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isang magpinsang paslit ang natusta nang makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Sta. Mesa, Manila kamaka­lawa ng hapon.

Hindi pa pinangalanan ang mga biktima na ayon sa mga awtoridad ay hindi na makilala dahil sa matinding pagkasunog ng kanilang mga katawan.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-3:42 ng hapon nang magsimulang sumiklab ang sunog sa tahanang pagmamay-ari ng isang alyas ‘Nora’, sa Road 12, Phase 1, Brgy 628, sa Sta. Mesa.

Ayon kay Fire Sr.Insp. Cesar Babante, Station 2 Commander ng BFP-Manila, unang iniulat na nawawala ang mga biktima.

Ang mga natupok na bangkay ay natagpuan dakong alas-10:14 ng gabi sa ilalim ng mga debris ng nasunog na bahay.

“Meron po tayo naitala na, dalawang casualty. Ito po ay na retrieve na namin at nadala na po sa punerarya. Beyond recognition na po. Kasi totally burned na po talaga,” ani Babante.

Nahirapan din aniya sila sa pag-apula ng apoy dahil sa malakas ng hangin sa kasagsagan ng sunog.  

Anang BFP, umabot ng ikaapat na alarma ang sunog bago naideklarang fire under control dakong alas-6:50 ng gabi. Tulu­yang naapula ang sunog dakong alas-3:05 ng madaling araw ng Martes.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa 220 pamilya ang apektado ng sunog na tumupok sa nasa 50 kabahayan.

Lumitaw naman sa imbestigasyon na posibleng electrical in nature ang pinagmulan ng sunog, na tumupok sa tinatayang P400,000 halaga ng ari-arian.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with