BI magsasampa ng kasong deportation laban sa 9 dayuhan

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng deportation cases ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na dayuhang naaresto kamakailan sa Mactan-Cebu International Airport ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP).
Ang grupo ay inaresto noong nakaraang linggo ng AVSEGROUP dahil sa pagdala ng mahigit ?440 milyon cash.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na bukod sa posibleng kasong criminal at anti-money laundering na kakaharapin ng grupo, mahaharap din ang mga dayuhan sa mga paglilitis sa imigrasyon dahil sa undesirable aliens.
‘Kapag naharap na nila ang kanilang mga kasong kriminal, ang mga indibidwal na ito ay ipapatapon at mai-blacklist mula sa muling pagpasok sa Pilipinas,” ani Viado.
Ang grupo ay binubuo ng pitong Chinese, isang Indonesian, at isang Kazakhstani national.
Nakikipag-ugnayan din ang BI sa Philippine National Police (PNP) para i-verify ang mga record at iproseso ang mga kinakailangang dokumentasyon.
Binigyang-diin ng Immigration Bureau na sila ay nasa malapit na koordinasyon sa mga law enforcement agencies para subaybayan at arestuhin ang mga dayuhan na ang presensya ay maaaring makasama sa interes ng bansa.
- Latest