^

Metro

Isko nanumpa kay SC Justice Kho

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Isko nanumpa kay SC Justice Kho
Nanumpa na si Manila Mayor elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kay Supreme Court Associate Justice Antonio Kho, Jr. sa Supreme Court En Banc Session Hall sa Ermita, Manila. Kasama ni Isko ang kanyang asawa na si Dynee, at mga anak na sina Patrick, Frances, Franco, at 1st District Councilor-elect Joaquin Domagoso.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pormal nang namumpa si Manila ­Mayor-elect Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kay Supreme Court Associate Justice Antonio T. Kho, Jr. bilang bagong alkalde ng Maynila.

Alas-2 ng hapon nitong Lunes nang manumpa si Isko kay Justice Kho sa loob ng Supreme Court En Banc Session Hall na sinaksihan ng kanyang maybahay na si Dynee at mga anak na sina Patrick, Frances, Franco at ang bagong halal na konsehal ng 1st District na si Joaquin Domagoso.

Kasabay nito, hu­mingi ng paumanhin si Isko sa napaagang panunumpa niya sa tungkulin sa kadahilanang nais niyang makapag­handa sa pagsisimula ng kanyang trabaho bilang alkalde ng Lungsod sa tanghali ng Hunyo 30. 

Ginawa na lamang niyang simple ang  okasyon ng pagbabalik sa Manila City Hall upang makapagsimula agad ng trabaho lalo pa’t maraming problema ang nangangailangan ng mabilis na aksiyon. 

Ayon kay Domagoso, kasama niya si Vice Mayor elect si Chi Atienza sa paglalatag ng mga programa at paglilinis ng lungsod. Tiniyak ni Moreno ang pagbabalik ng kalinisan, kaayusan at peace and order sa Maynila.

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with