Nag-e-ML na PNP commanders nasa ‘hot water’
MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nasa 14 na ‘pasaway’ na commanders ng Philippine National Police (PNP) dahil sa umano’y pagpapabaya sa tungkulin kabilang ang paglalaro ng mobile legends.
Ayon kay NCRPO chief PMGen. Anthony Aberin, ang mga police commanders ay nakatalaga sa limang police district na may ranggong police captain at police major.
Sinabi ni Aberin na nagsagawa ng surprise operation sa Metro Manila mula Mayo 17 hanggang Mayo 18 sa limang police district bilang bahagi ng Philippine National Police’s (PNP) “Back to Basics” campaign.
Layon ng programa na masuri ang presensiya ng kanilang mga tauhan, kahandaan sa operasyon at pagsunod sa deployment directive partikular na sa mga lugar na madalas ang mga foreign national.Ilan sa mga paglabag ay kawalan ng mga pulis sa Police Assistance Desks (PADs), walang pulis na nagbabantay sa kanyang puwesto at iisang pulis lamang ang naka-deploy sa isang lugar na paglabag sa standard protocols at paggamit ng cellphones at paglalaro ng mobile legends habang naka-duty. Ilan din sa kanilang mga nasasakupan ang kulang ang police visibility.
- Latest