30 tonelada ng campaign posters nasamsam ng Quezon City LGU
MANILA, Philippines — Umaabot sa 30 tonelada ng mga illegal posters ng mga kandidato ang nasamsam ng Operation Baklas ng Department of Public Order and Safety (DPOS) sa nagdaang midterm election noong Mayo 12 sa Quezon City.
Sa QC Journalists Forum, sinabi ni Police Col. Remigio Gregorio, acting chief ng DPOS na bago pa man ang botohan ay nakapagbaklas sila ng illegal posters ng mga kandidato na halos trak trak mula sa iba’t ibang distrito ng QC.
Aniya pinakamaraming illegal posters na nakumpisa ay mula sa mga kandidato ng Kongres at partylist.
Sinabi ni Gregorio na ang naipatupad na pagbabaklas ay alinsunod sa QC ordinance at Comelec memorandum para sa isang malinis na halalan.
Aniya ang mga nasamsam na illegal posters ay na recyled at naibigay sa BJMP Female Dormitory na ginagawa nilang bags at ang mga single use plastic ay na disposed sa Payatas disposal Unit ng QC LGU.
- Latest