^

Metro

Paslit nalunod sa pool

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paslit nalunod sa pool
Ayon sa ­imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), bandang 7:30 ng gabi ­kamakalawa nang maganap ang insidente sa swimming pool ng Olympus Subdivision’s Club House na matatagpuan sa Olympus Road, North Olympus Subd. Brgy. Kaligayahan, ­Quezon City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isang 7-anyos na bata ang namatay matapos na malunod sa swimming pool sa loob ng isang subdibisyon, Linggo ng gabi sa Quezon City.

Ayon sa ­imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), bandang 7:30 ng gabi ­kamakalawa nang maganap ang insidente sa swimming pool ng Olympus Subdivision’s Club House na matatagpuan sa Olympus Road, North Olympus Subd. Brgy. Kaligayahan, ­Quezon City.

Batay sa ­imbestigasyon ni PSSg Erwin Jay A. ­Mendez, ang biktima kasama ang kanyang ina at iba pang mga kamag-anak ay nagdiriwang ng family outing sa nasabing lugar.

Sa gitna ng ­kasiyahan ng pamilya, ­nakita ng lolo na si alyas ­Galoyo, ang bata na nasa ilalim ng swimming pool na may apat hanggang limang talampakan ang lalim. 

Agad sinagip ng lolo ang apo at sa tulong ng kanilang mga kamag-anak ay isinugod ito sa Bernardino General Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival bandang alas-8:25 ng gabi ng ­attending physician na si Dr. Jayson ­Tejada. 

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with