Pag-amyenda sa party-list law, isinusulong muli ng Comelec
MANILA, Philippines — Isinusulong muli ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-amyenda sa party-list law upang matiyak na tanging mga lehitimong grupo lamang na tunay na kumakatawan sa marginalized sectors ang makakasali rito.
“I will always push for the amendment of the law. The party-list law needs to be amended, I believe even party-list organizations will always aspire to a new law to reflect the true sentiments of marginalized and underrepresented sectors,” ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, sa isang pulong balitaan kahapon.
Ang tinutukoy ni Garcia ay ang Republic Act No. 7491 o The Party-list System law, na nilagdaang batas noong 1995 ng yumaong si dating Pang. Fidel V. Ramos.
Layunin nitong isulong ang proportional representation sa House of Representatives, sa pamamagitan ng isang party-list system ng mga rehistradong partido o organisasyon ng mga Pinoy, na kabilang sa isang marginalized o underrepresented sectors.
Ayon kay Garcia, ang pag-amyenda sa naturang batas ay isang “ongoing call” ng Comelec.
“Some say that the party-list is no longer marginalized and underrepresented. In the end, that is what the law should be”, paliwanag ni Garcia.
- Latest