^

Metro

Higit 400K estudyante tatanggap ng learning kits mula sa Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa higit 400,000 na mag-aaral para sa taong 2025-2026 mula Kinder hanggang Grade 12 ng mga pampublikong paaralan sa Quezon City ang tatanggap ng ­learning kits.

Nabatid na ­naghahanda na rin ang QC LGU upang ipamahagi ang mga school supplies sa Hunyo.

Ang school bags ay naglalaman ng iba’t ibang gamit sa paaralan batay sa grade level ng mga mag-aaral tulad ng notebooks, ballpen, lapis, whiteboard, marker, water tumbler, at iba pa.

Binigyan diin ng city government na   kailangan na kumpleto at sapat ang mga school supplies ng mga estudyante na makakapagpataas ng kanilang moral at  pagsisipag sa pag-aaral.

Sa kabuuan, mahigit 2.4 milyong learning kits na ang ipinamigay ng lungsod mula taong 2020 bilang suporta sa edukasyon ng mga QCitizen.

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with