Bostik inilunsad El Heneral All-Purpose Epoxy
MANILA, Philippines — Say hello sa bagong go-to ng mahihilig mag-repair at mag-Do-It-Yourself! Inilunsad na ng Bostik Philippines ang El Heneral All-Purpose Epoxy — isang matibay at multi-purpose na epoxy para sa home repairs, improvements, at iba pang projects na kailangan ng solidong dikit.
Ang El Heneral ay isang two-component epoxy na puwedeng gamitin sa iba’t ibang materials, gaya ng concrete, metal, PVC, salamin, ceramic, at kahit sa maselang porcelain. May basag na paso? Bubuuin ang mga kahoy? Kailangang idikit ang bakal sa semento? Walang problema, kakayanin ‘yan ng El Heneral.
Kung tibay ang hanap mo, standout ang El Heneral. Kapit kung kapit dahil kaya nito ang kahit mabibigat na load. Madali ring i-apply, kaya hindi mo kailangang maging expert para magawa nang maayos ang project mo.
Kapag natuyo, lalong tumitibay ang dikit. Crack-resistant, water-resistant, at hindi basta-basta tinatablan ng karamihan sa acids at alkaline. Ibig sabihin, long-lasting ang gawa mo at hindi disposable.
“Alam namin na iba-iba ang hamon ng mga Pinoy pagdating sa pag-aayos sa bahay o sa mga project,” ayon kay Fides Kasman, Market Development Director ng Bostik. “Kaya excited kaming ihandog sa mga consumer ang isang produktong matibay, maaasahan, at madaling gamitin para mas mapadali ang trabaho nila.”
- Latest