^

Metro

Operasyon ng mga motorcycle taxi ‘status quo’ – LTFRB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng mga motorcycle taxi ‘status quo’ – LTFRB
Ang desisyon ay tugon sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na nagtatakda ng pagbabawas sa bilang ng kanilang fleet at pagpapatigil ng operasyon sa ilang lugar na bahagi ng pilot study.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mananatiling “status quo” ang operasyon ng mga motorcycle taxi na “Move It” matapos magsumite ng Motion for Reconsideration ang nasabing ride-hailing company.

Ang desisyon ay tugon sa kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na nagtatakda ng pagbabawas sa bilang ng kanilang fleet at pagpapatigil ng operasyon sa ilang lugar na bahagi ng pilot study.

Sinabi ni LTFRB Spokesperson Atty. Ariel Inton na ang regulasyon ng motorcycle taxis ay nasa ilalim pa rin ng multi-agency technical working group kasama ang DOTr, LTFRB, at LTO, at hindi lamang ang LTFRB ang ­gumagawa ng desisyon dito.

Tiniyak ni Inton na mananatili muna ang status quo habang pinag-aaralan ng technical working group ang motion for reconsideration ng “Move It”, kaya patuloy pa ring makakabiyahe ang mga rider.

Ayon naman kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na isinasaalang-alang ng TWG ang kapakanan ng mga motorcycle taxi rider, habang isinusulong pa rin ang ligtas at maayos na sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa.

DOTR

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with