3 Top Most Wanted Persons, arestado

MANILA, Philippines — Tatlong most wanted person sa station level ang nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod Quezon.
Sa report na tinanggap ni (QCPD) Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, PCol. Randy Glenn Silvio, naaresto ng District Intelligence Division (DID) sa pamumuno ni PLtCol. Rossel Cejas at Anonas Police Station (PS 9) chief PLtCol. Zachary Capellan, bandang alas-3 ng hapon nitong Linggo nang maaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Branch 89, Regional Trial Court (RTC), Quezon City ang No. 7 MWP na si alyas Francis, 24, at residente ng Brgy 167, Caloocan City sa loob ng Robinsons Novaliches, Quezon City para sa kasong paglabag sa R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004).
Sa operasyon, naman ng Fairview Police Station (PS 5) sa pamumuno ni PLtCol. Geronimo Dimayuga, Jr., tiklo naman ang No. 6 MWP na alyas ‘Fritz’, 24 ng Katuparan, Taguig City dakong ika-1:15pm, May 10, 2025 sa BJMP-NCR Taguig City Jail Male Dormitory. Siya ay may nakabinbing WOA para sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inisyu ng Branch 266, RTC, Taguig City.
Batay sa rekord na nakuha sa Investigation Solution Automatic Verification (ISAV), napag-alamang ang akusado ay may nauna nang kaso ng parehong paglabag noong Pebrero 2023.
Samantala, dakong ika-12:10pm, Mayo 9, 2025, nadakip din ng pinagsamang pwersa ng Project 4 Police Station (PS 8) sa pamumuno ni PLtCol. Angelito De Juan at Cabugao Municipal Police Station (MPS), ang No. 1 MWP ng PS 8 nakilala si “Maribel”, 53, at residente ng Brgy. Carusipan, Cabugao, Ilocos Sur para sa kasong 116 bilang ng Estafa na inisyu ng Branch 104, RTC, Quezon City.
Ang mga hukumang pinagmulan ng utos ng pagdakip ay aabisuhan sa pagkaaresto ng mga akusado.
“Binabati ko ang mga operatiba sa kanilang masigasig na kampanya laban sa mga wanted persons. Ipagpatuloy natin ang paghuli sa lahat ng mga taong wanted sa batas upang panagutin sila sa kanilang pagkakasala”, ani PCol. Silvio.
- Latest