Operasyon ng 6 casino junket sinuspinde
Sangkot sa Que kidnap-slay case
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi Philippine National Police (PNP) Spokesperson at PRO 3 Director PBrig. Gen. Jean Fajardo na suspindido na ang junket operations ng anim na malalaking casino sa bansa.
Kasunod umano ito ng impormasyon na posibleng sangkot ang anim na casino junket sa kaso ng negosyanteng si Anson Que.
Nabatid na nauna nang ibinunyag ng PNP na dumaan umano sa mga junket operator ang P200 milyon ransom money ng dinukot at pinatay na nagosyante si Que bago ito i-convert sa cryptocurrency ng mga suspek.
Gayunman hindi naman ibinunyag ni Fajardo ang pangalan ng anim na casino junket at kung saan-saan matatagpuan.
Mayroon ding nang na-trace ang PNP-Anti Cybercrime Group na dalawang cryptocurrency accounts kung saan nai-freeze ang aabot sa $1.6 milyon na nakita na konektado umano sa krimen.
Iniimbestigahan din ng PNP ang mahigit P400 milyon na narekober sa Cebu, na sinasabing galing sa junket operator na White Horse. Kabilang ito sa mga pinadalhan ng subpoena ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kasama ang 9 Dynasty Group na una nang tumugon sa subpoena dahil sa pagkakadawit sa kaso.
- Latest