Best public service, tiniyak ni Mayor Joy

Sa susunod na 3 taon
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na “Best Public Service” ang kanyang ipagkakaloob sa QCitizens sa kanyang huling tatlong taon sa puwesto.
Ang paniniyak ay ginawa ni Belmonte kasunod ng kanyang landslide victory sa 2025 mayoral race. Si Belmonte ang tanging alkalde sa Metro Manila na nakakakuha ng mahigit 1 milyong boto mula sa QCitizens.
“I will give everything I’ve got—my energy, my passion, my dedication—to fulfill the dreams of our people for a better, more inclusive, and more progressive Quezon City.” ani Belmonte.
Kabilang sa key priorities ni Belmonte ay ang pagdodoble sa bilang ng city scholars, pagtataas ng social pensions para sa solo parents, persons with disabilities (PWDs), at senior citizens, pagpapalawak ng livelihood assistance programs, pagpaparehistro ng lahat ng QCitizens sa ilalim ng PhilHealth’s Konsulta Package, access sa libreng gamot, consultations, lab tests, at hospital referrals.
Hangad din ni Belmonte na i-upgrade ang public safety infrastructure sa pamamagitan ng paglalagay ng 3,000 karagdagang CCTVs sa barangays at private establishments, city roads at alleys na may 65,000 operational streetlights.
Maging ang pagpapatupad ng direct sale housing program at pag-aaward sa mga forfeited properties para sa mga qualified occupants para masolusyunan ang pangangailangan sa Pabahay, pagtatayo ng dagdag na parke at open spaces.
“As I enter my final term, my only goal is to leave behind a Quezon City that’s more empowered, more resilient, and more compassionate,” dagdag pa ni Belmonte.
- Latest