5 miyembro ng ‘Salisi Gang’ umatake sa NAIA

MANILA, Philippines — Limang hinihinalang miyembro ng “Salisi” gang na nambibiktima ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang naaresto nitong Mayo 11, 2025, matapos ang ilang linggong pagmamanman ng Manila International Airport Authority (MIAA) Airport Police Department (APD), sa mahigpit na koordinasyon ng New NAIA Infra Corp (NNIC).
Ayon sa report, ang grupo ay konektado sa ilang kaso ng pagnanakaw sa pagitan ng Abril 28 at Mayo 5 kung saan tinatarget ang mga pasaherong natutulog o hindi nakapokus sa kanilang mga gamit sa oras ng pagpapalit ng shift ng seguridad bandang alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng gabi.
Modus ng grupo na kunin ang atensyon ng mga biktima habang ninanakaw na ng mga kasamahan ang gamit ng huli.
Agad na naaresto ang limang suspek habang mabilis na nakatakas ang limang iba pa.
Narekober mula sa mga suspek ang dalawang cellphone at isang laptop na pinaniniwalaang pagmamay–ari ng pasahero.
- Latest