DA aalisin MSRP sa karneng baboy
MANILA, Philippines — Tatanggalin muna ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) sa karneng baboy.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Dante Palabrica, ito’y habang pinag-aaralan pa ng DA kung paano ito maipapatupad ng mas epektibo at kapaki pakinabang sa consumers.
Aniya, asahan na magkakaroon ng mga pagbabago sa implementasyon ng MSRP sa karneng baboy sa mga susunod na mga araw.
Sinabi ni Palabrica, ang mataas na presyo ng karneng baboy sa mga palengke ay dahil sa demand partikular nitong nagdaang eleksyon habang nanatili namang manipis ang suplay dahil sa epekto pa rin ng African Swine Fever sa hog industry.
Nakikipag ugnayan na ang DA sa Food Terminal, Inc. at sa pribadong kumpanya upang mapataas pa ang suplay ng karne ng baboy na binabagsak sa palengke na may farmgate price na P230 kada kilo.
- Latest