Anomalya sa transmission ng mga boto pinaiimbestigahan sa Comelec
MANILA, Philippines — Nananawagan sa Commission on Elections (Comelec) ang SOLO Parents Partylist na imbestigahan ang umano’y mga iregularidad na namonitor sa transmission ng boto.
Sa ginanap na press conference sa Maynila, sinabi ni SOLO Parents Partylist Spokesperson Dr. Roselle Teodosio, tatlong video mula sa isang confidential at reliable source ang kanilang natanggap kung saan makikitang may recovery attempt at paglilipat o transfer ng boto mula SOLO Parents Partylist.
Kita sa video na mula sa 214,000 na boto, bigla itong bumaba ng humigit-kumulang 125,000 na boto hanggang sa maging 104,000 na boto na lamang.
“Sa mga video, malinaw na nabawasan ang boto ng aming party-list. Ang SOLO Parents partylist, na walang ibang hinangad kung hindi isulong ang adbokasiya para sa kapakanan at karapatan ng mga solo parents sa ating bansa”, ani Teodosio.
Hindi dapat na balewalain ang adbokasiyang ipinaglalaban ng kanilang grupo. Maupo man o hindi sa pwesto, patuloy nilang ilalaban ang kanilang karapatan.
- Latest