Proyekto sa pabahay sa Las Piñas
MANILA, Philippines — Bilang bagong kinatawan ng lone congressional district ng Las Piñas, unang ipaglalaban ni Mark Anthony Santos na matuloy ang matagal ng nakabinbin na Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino (4PH) program sa lungsod.
Inihayag ni Santos isa sa nakabiting housing project ng lungsod ay ang panukalang 12-storey building sa ilalim ng 4PH program sa DBP Subd. sa Barangay Pulang Lupa Dos na gagastusan ng Social Housing Finance Corp.
Ang mga target na benepisyaryo nito ay ang mga empleyado ng lungsod at 412 na informal settler’s family (ISF) na karamihan ay mga walang regular na kita tulad ng mga tricycle driver at market vendor na hindi kayang bumili ng disenteng pabahay sa commercially available rates.
Mayo noong isang taon, iginawad na ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar ang certificate of approval para sa comprehensive land use plan (CLUP) ng lungsod ng Las Piñas.
Nangako si Acuzar, sa pamamagitan ng Environmental, Land Use and Urban Planning and Development Bureau ng DHSUD, na susuportahan ang Las Piñas LGU sa pagsasalin ng mga plano sa aktwal na mga nagawa para sa kapakanan ng mga mamamayan nito.
- Latest