^

Metro

Kelot timbog sa Anti-Vote Buying Ops sa Caloocan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kelot timbog sa Anti-Vote Buying Ops sa Caloocan
Ayon sa imbestigasyon na isinumite kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Josefino Ligan, dakong alas-11:40 ng gabi nitong Linggo nang magsagawa ng surveillance at pagpapatrol ang mga pulis laban sa vote-buying nang mapansin ang suspek na may hawak na baril.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 25 anyos na lalaki matapos makuhanan ng improvised na baril sa isinasagawang anti-vote buying operations ng Caloocan City Police kamakalawa ng gabi sa Torcillo St., Brgy 28, Caloocan City.

Ayon sa imbestigasyon na isinumite kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Josefino Ligan, dakong alas-11:40 ng gabi nitong Linggo nang magsagawa ng surveillance at pagpapatrol ang mga pulis laban sa vote-buying nang mapansin ang suspek na may hawak na baril.

Agad na nilapitan at sinita ng mga pulis ang suspek na nabigla kaya hindi na naitago pa ang dalang pengun na may bala ng 45 caliber.

Dinala muna sa Caloocan City Medical Center ang suspek para sa medical at physical examination saka ikinulong sa nakakasakop na police station.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to the Omnibus Election Code.

Sinabi naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Anthony A Aberin, ang pagkakaaresto sa suspek ay nangangahulugan ng pagiging alerto ng mga pulis upang matiyak kaligtasan ng publiko.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with