Proklamasyon ng 19 local candidates, sususpindihin ng Comelec
Sakaling manalo sa midterm polls
MANILA, Philippines — Sususpindihin umano ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng 19 na local candidates sakaling palarin silang manalo sa katatapos na May 12 midterm elections.
Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na alinsunod sa kautusan ng Comelec en banc, inilabas ng poll body ang 19 orders of suspension.
Tumanggi naman muna si Garcia na isapubliko ang mga pangalan ng mga naturang kandidato dahil sa pagpapatuloy pa ng halalan sa ilang lugar sa bansa.
Paliwanag niya, susupindihin nila ang posibleng proklamasyon ng mga naturang kandidato bunsod ng ilang poll violations at ilan pang isyu.
Inaasahan naman ni Garcia na marami pang orders of suspension silang ilalabas.
“The Commission, as instructed by the en banc, has released 19 orders of suspension and (it’s) possible that the orders of suspension directed against certain individuals or candidates may increase as we move on with the day. Because that was just what the Commission acted upon earlier,” aniya.
- Latest