LTO sinuspinde ng 90 days driver’s license ng minibus driver sa road crash
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 days ang lisensiya ng minibus driver na sangkot sa road accident sa Baguio City na nagdulot ng pagkasugat ng 13 katao.
Ito ayon kay LTO Vigor Mendoza ay habang naka pending ang resulta ng ginagawa nilang imbestigasyon sa aksidente.
“We already directed the driver, a resident of La Union, to surrender his driver’s license in the soonest possible time. The investigation will formally start with the hearing scheduled on May 20,” ayon kay Mendoza.
Sa report, nabangga ng minibus ang isang motorsiklo at ang concrete post sa Crystal Cave sa Bekekeng Central sa Baguio City noong May 10. Nagdulot ito ng pagkasugat ng mga pasahero ng minibus at motorcycle rider.
Sa ipinadalang show cause order ng LTO sa driver, pinagpapaliwanag ito ng LTO kung bakit hindi ito maaaring parusahan sa kasong reckless driving at kung bakit hindi maaaring bawiin ang kanyang lisensiya kaugnay ng insidente.
- Latest