^

Metro

Higit P197 milyong shabu nasabat sa 2 bigtime ‘tulak’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit P197 milyong  shabu nasabat sa 2 bigtime ‘tulak’
Batay sa report, alas-5 ng hapon nitong Sabado (May 10) nang isagawa ang operasyon sa loob ng isang eksklusibong subdivision sa Parañaque City at nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek na sina “Jalil”, 44, at “Gracia”, 36, kapwa residente ng Cebu City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Southern Police District (SPD) ang dalawang bigtime ‘tulak’ matapos na makuhanan ng higit P197 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa  Parañaque City nitong Sabado ng hapon.

Batay sa report, alas-5 ng hapon nitong Sabado (May 10) nang isagawa ang operasyon sa loob ng isang eksklusibong subdivision sa Parañaque City at nagresulta sa pagkakahuli  sa mga suspek na sina “Jalil”, 44, at “Gracia”, 36, kapwa residente ng Cebu City.

Ayon sa mga awtoridad nahirapan silang magsagawa ng surveillance at validation dahil sa mahigpit na security ng subdivision.

Subalit sa pagpupursige ng mga awtoridad, nagawa pa ring maki­pagtransaksiyon sa mga suspek kung saan ang mga shabu ay inilagay sa 29 na aluminum foil packs na may label na “Freeze-dried Durian” na may Chinese character.

Dito ay agad na pinosasan ng mga ope­ratiba ang mga suspek at binasahan ng  Miranda Rights.

Aabot sa 29 kilo ang kabuuang timbang ng mga nasabat na droga, na may street value na P197,200,000.

Nahaharap ang da­lawa sa paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

PDEA

SPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with