LTO naglabas ng show cause order vs SUV na pumasok sa EDSA Busway

MANILA, Philippines — Nagpadala na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) sa registered owner ng isang Toyota Hiace van na gamit ay government red plate na pumasok sa Edsa Busway.
Ayon sa LTO, ang red plate na SAA 1023 ay nakaisyu sa Toyota Hiace Van pero ang pumasok sa EDsa busway na gamit ang red plate ay isang Toyota Fortuner na sasakyan.
Ayon kay Mendoza, nais lamang ipaalam ng SCO sa mga lumalabag ang kanilang mga pagkakamali kaya kailangan lamang nilang ipaliwanag ito sa LTO.
“Our strict implementation of the laws and road safety rules and regulations covers not only private motorists but also those in the government because as our DOTr Secretary Vince Dizon said, we in the government should be the one to lead by example,” dagdag ni Mendoza.
Ang SCO issuance ay nag ugat sa isang complaint na naiparating sa DOTr- Special Action and Intelligence Committee for Transportation hinggil sa white SUV Fortuner na illegal na pumasok sa Ortigas portion ng EDSA Bus Carousel.
Inihinto ng driver ang sasakyan nang huhulihin pero kalaunan ay umeskapo ito.
Nais malaman ng LTO kung bakit gamit ng SUV ang red plate gayung ito ay nakaisyu sa Toyota Hi- ace.
- Latest