Comply muna bago operate – LTFRB
Sa 7 bus terminal
MANILA, Philippines — inadalhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause orders (SCOs) ang pitong bus terminals sa Pasay City upang makapag comply sa minimum standard bago muling mag-operate.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz ang pitong bus terminal ay ang HK Sun Plaza Terminal, DLTB Terminal , JAC Liner Terminal, BBL Transit Terminal , JAM Liner Terminal, Genesis Terminal at Philtranco Terminal.
“These terminals must prove they are ready to operate within the bounds of the law.We cannot allow the reopening of facilities that fail to meet minimum standards.
We owe the commuting public a transport system that is organized, safe, and compliant,” ayon kay Guadiz. Ilan sa nakita ng LTFRB na dapat ayusin ng mga bus terminals ay ang kakulangan sa valid permits, hindi maayos na passenger facilities, non-submission ng terminal compliance documents at walang koordinasyon sa Pasay City government of Pasay.
Binigyan ng limang araw ng LTFRB ang management ng naturang bus terminal na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat parusahan kaugnay nang kabiguan na magkaroon ng naturang standards.
- Latest