^

Metro

Sandamakmak na pera sa 7 maleta buking, 11 arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Sandamakmak na pera sa 7 maleta buking, 11 arestado
Sa isinagawang press briefing, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bandang alas-9 ng gabi nitong Biyernes nang maharang ang pitong maleta na dala ng mga suspek na umano’y galing sa isang casino sa Cebu at pabalik sana ng Maynila.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Umaabot sa P441-M  cash na nakalagay sa pitong maleta ang naharang ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group at Mactan-Cebu International Airport na nagresulta sa pagkakadakip ng siyam na dayuhan at dalawang Pinoy kamakalawa ng gabi.

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bandang alas-9 ng gabi nitong Biyernes nang maharang ang pitong maleta na dala ng mga suspek na umano’y galing sa isang casino sa Cebu at pabalik sana ng Maynila.

Kabilang sa mga dinakip ay anim na Chinese, isang Malaysian, isang Indonesian, dalawang Khazakstani at dalawang Pinoy.

Lumilitaw sa initial investigation na dumaan sa Xray scanner ang pitong maleta at napasin ang kaduda-dudang laman ng bagahe kaya agad na nagsagawa ng inspeksiyon ang PNP at tumambad ang P441 mil­yong cash, US$168,730 at HK$1,000.

Ayon kay Fajardo, masusi ang imbestigasyon sa nadiskubreng sandamakmak na pera matapos na maglabas ang White Horse Casino  junket ng certification na ang perang naharang ay bahagi ng casino winnings. Nabatid na inihabol lamang ang certification ng White Horse matapos na makuwestiyon ang mga maleta.

Matatandaan na ang White Horse Casino ay isa sa mga pinagdaanan ng ransom money sa Chinese businessman na si Anson Que.

Dagdag pa ni Fajardo, sinisimulan na ring siyasatin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan gagamitin ang pera lalo pa’t dalawang araw na lamang bago ang eleksiyon. Posible umanong konektado ang mga na­aresto upang impluwensiyahan ang halalan.

Tiniyak ni Fajardo na tulung-tulong sa imbestigasyon ang PNP, PAOCC at AMLAC dahil maituturing na national concern.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with