^

Metro

‘No touch’ sa passport, ipinatupad sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
‘No touch’ sa passport, ipinatupad sa NAIA
Ito ay kasunod ng reklamo ng isang pasaherong napunit umano ang kanyang passport kaya hindi ito pinasakay sa departure check-in counter ng isang airline.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng kautusan ang pamunuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bawal ng hawakan ng mga airport security personnel ang mga pasaporte ng mga pasaherong papasok sa international departure area ng paliparan at paalis patungong ibang bansa.

Ito ay kasunod ng reklamo ng isang pasaherong napunit umano ang kanyang passport kaya hindi ito pinasakay sa departure check-in counter ng isang airline.

Ang nasabing insidente ay nag-viral sa social media kaya agad umaksyon dito ang mga airport authorities.

Nabatid na marami ang nagtataka kung bakit hinahawakan pa ng mga security personnel ang kanilang passport na gawain lamang ito ng immigration personnel at mga airline representative sa check-in counter.

Ayon sa ulat, puwede nang magpakita ang isang pasahero ng kanyang ID at ticket para makapasok sa airport at hindi na kinalangan pang ipakita at iabot ang kanilang ID sa nakatalagang guwardya ng NAIA.

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with