^

Metro

Anak, dinawit sa Que kidnap-slay; P5 milyong reward alok vs babaeng kidnaper

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idinawit ng pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa Filipino Chinese trader na si Anson Que, ang mismong anak nito na si Alvin Que na may kagagawan sa ­krimen.

Sa kabila nito, sinabi ni P/Col. Jean Fajardo, spokesman ng PNP sa press briefing sa Camp Crame, na bagama’t itinuro ng isa sa mga suspek sa Que kidnap-slay na si David Tan Liao na mismong si Alvin na nasa likod ng ­pagdukot at pagpatay sa kanyang ama, pero wala pa umano silang matibay na ­ebidensya ukol dito.

Si Liao kasama ang dalawa pang Pinoy na kasabwat nito na sina Richard Tan Garcia at Raymart Catequista ay iprinisinta na ng awtoridad dahil sa Que kidnap-slay.

Sumuko si Liao sa mga awtoridad noong Abril 19 habang sina ­Roxas at Catequista ay nasakote naman sa ­Roxas, Palawan.

“Maliban doon sa kanyang assertion, wala ­naman siyang naipapakita pa na ibang ebidensya. Although may sinasabi siya doon sa kanyang statements, including the alleged meeting with the son and even the ­physical [meet] and even the calls, wala siyang mai-present,” ani Fajardo na iginiit pang may posibilidad na ginu­gulo lamang ni Liao ang imbestigasyon dahil mayroon siyang pinagtatakpan.

Nabatid na si Alvin Que ay kabilang sa mga personalidad na inirekomenda ng PNP sa DOJ para sa preliminary investigation kung saan isinuko na rin nito sa mga imbestigador ang kanyang cellphone.

“The PNP, particularly the SITG, is being cautious in accepting hook, line and sinker these ­allegations by David Tan Liao because we want to make sure that this should be backed up by other pieces of evidence,” ani Fajardo na sinabing respondent sa kaso ang batang Que.

Samantala, ininunsyo rin ni Fajardo sa press briefing na nag-alok na ang Philippine National Police (PNP) ng P5-mil­yong reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikaaresto ng isang babae na ­sangkot sa ­pagdukot at pagpatay ­Anson Que at driver ­nitong si Armanie Pabillo.

Ani Fajardo, inalerto na nila ang kapulisan sa buong bansa para sa ikakaaresto ni Wenli Gong na gumagamit ng mga alyas na “Huang Yanling” at “Kelly Tan Lim”.

Si Gong ay huli umanong namataan sa Boracay Island sa Malay, Aklan noong Abril 21, 2025.

Ayon pa kay Fajardo, si Gong ay sinasabing may malaking papel sa kidnap-slay ni Que.

Sa tala, sangkot din si Gong sa iba pang kaso ng kidnapping simula 2023 hanggang 2025 kung saan nahuli siya noong 2024 pero nakalaya ­matapos magpiyansa.

Patuloy pang pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang iba’t ibang teorya hinggil sa naganap na pagdukot at pagpatay kay Que at driver nito.

“We are still ­looking at the other theories of the case,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. “Just to be fair to all the parties, I don’t think it’s right for me to comment right now,” aniya. “Let’s just continue with the police work and the analysis of the case,” dagdag nito

Ang nakatatandang Que, may-ari ng Elison Steel at Pabillo ay dinukot noong Marso 29 habang kumakain sa isang restaurant sa kahabaan ng Macapagal Avenue sa Pasay City. Sila ay natagpuang patay noong Abril 9 sa Rodriguez, Rizal.

CHINESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with