^

Metro

Bodega sa Maynila nasunog, P6 milyong ari-arian naabo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang dalawang palapag na bodega ang tinupok ng apoy sa isang sunog na sumiklab sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog ay nagmula sa ­unang palapag ng 500 square meter na bodega pag-aari ni Anthony Chua na matatagpuan sa 501 Silencio St., sa Sampaloc at inookupa ng Solidtone Innovations.

Nagsimulang sumiklab ang sunog ganap na ala-1:47 ng madaling araw. Umabot lamang ito sa ikalawang ­alarma bago tuluyang ­naideklarang fire out dakong alas-5:28 ng madaling araw.

Sa pagtaya ng BFP, aabot sa mahigit P6 milyon ang halaga ng mga na­pinsalang ari-arian sa sunog. May ­tatlong bahay at establisimiyento rin na na­damay dito.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa sunog na inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan nito.

MAYNILA

SAMPALOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with