^

Metro

Isko nangunguna pa rin sa Maynila - OCTA

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Isko nangunguna pa rin sa Maynila - OCTA
Isko Moreno

MANILA, Philippines — Dalawang linggo bago ang halalan sa Mayo 12, nananatiling nangunguna si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga tumatakbong alkalde ng lungsod.

Ito’y batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research survey na isinagawa mula Abril 20 hanggang 23 kung saan nakakuha ng 63% voter preference si Domagoso. Inilabas ng OCTA ang resulta nitong Martes, Abril 29.

Nakakuha naman ng 18% voter pre­ference si Mayor Honey Lacuna habang 16% naman si Rep. Sam Versoza.

Bagama’t nakakuha lamang si ­Lacuna ng 3% mula sa kanyang dating rating na 15%, nananatili ang margin of error ng +/-3% ng OCTA Research survey. 

Lumilitaw din na kahit pa pagsamahin ang bilang nina Lacuna at Verzosa malayo pa rin ito sa suportang nakukuha ni Domagoso.

Nangunguna rin si Domagoso sa pagka alkalde sa anim na distrito ng Maynila.

Una nang sinabi ni Domagoso na ibabalik niya ang katiwasayan at kalinisan sa lungsod ng Maynila.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with