^

Metro

Publiko, magugulat sa Que kidnap-slay probe - DOJ

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ikagugulat ng publiko ang resulta ng imbestigasyon sa isinasagawa nilang preliminary investigation sa kidnap-slay ng negosyanteng si Anson Que at kanyang driver na si Armanie ­Pabillo.

Ayon kay Remulla, maaaring matapos ng National Prosecution Service ng DOJ ang kanilang imbestigasyon sa krimen sa loob ng 25-araw kung saan tukoy na ang direktang may kinalaman sa krimen.

Ang inaasikaso aniya nila sa ngayon ay ang matukoy ang mastermind at motibo ng krimen.

Nabatid na sa ­unang araw ng preliminary investigation sa kaso, sinabi ng abogado ng pamilya Que na nais nilang sigurado ang DOJ sa mga respondents na isinasangkot sa kaso.

Nais naman umano ng isa pang abogado, na kumakatawan sa dalawang Chinese nationals, na malinis ang pangalan ng kanyang mga kliyente sa krimen.

Matatandaang si Que at ang kanyang driver ay unang dinukot ng mga ‘di kilalang suspek at malaunan ay natagpuang patay sa Rizal.

DOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with