Hustisya sa pinaslang na partylist nominee, tiniyak ni Mayor Lacuna
MANILA, Philippines — Nangako si Manila Mayor Honey Lacuna na gagawin nila ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay dating barangay chairman at Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist 2nd Nominee Leninsky Bacud na pinagbabaril kamakalawa ng gabi ng riding-in-tandem sa tapat ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila.
Nagpaabot Din ng pakikiramay si Lacuna sa pamilya ni Bacud, na dati ring barangay chairman ng Barangay 435, Zone 44 sa Sampaloc kasabay ng kanyang kautusan kay Manila Police District (MPD) Director PBGen Benigno Guzman na gamitin ang lahat ng kanilang available resources para masigurong mareresolba ang kaso at mapapanagot ang mga taong nasa likod nito.
Hiniling rin naman ni Lacuna sa MPD na tiyakin ang kaligtasan ng pamilya Bacud at ng mga posibleng testigo sa krimen.
- Latest