^

Metro

Partylist nominee patay sa ambush

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Partylist nominee patay sa ambush
Idineklarang dead on arrival sa UST Hospital ang biktimang si Leninsky Bacud, dating chairman at second nominee ng Ang Bumbero Party-list na tumatakbo sa May 12 party-list polls.
FIle

MANILA, Philippines — Patay ang 2nd nominee ng Ang Bumbero Partylist matapos na pagbabarilin ng ri­ding in tandem sa harapan ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila kagabi.

Idineklarang dead on arrival sa UST Hospital ang biktimang si Leninsky Bacud, dating chairman at second nominee ng Ang Bumbero Party-list na tumatakbo sa May 12 party-list polls.

Batay sa sketchy report ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nabatid na bago mag-alas-6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa harapan ng bahay ng biktima sa P. Guevarra St., sa Sampaloc, Manila.

Nauna rito, magkasama pa umano sina Bacud at si Jose Antonio Goitia sa isang aktibidad ngunit naghiwalay din dahil pauwi na ang biktima sa tahanan nito. La­king gulat na lang umano ni Goitia nang mabalitaang tinambangan na ang biktima.

Sinasabing kadara­ting lamang ni Bacud sa lugar at kabababa ng kanyang sasakyan nang  pagbabarilin ng mga salarin.

Nabatid na isang pulis sa lugar ang nagawa pang rumesponde sa ambush at nakipagbarilan sa mga suspek ngunit nakatakas pa rin ang mga ito, lulan ng isang motorsiklo.

Ayon kay PMaj. Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyan pa silang nagsasagawa ng hot pursuit operation.

Masusi na rin umano nilang iniimbestigahan ang krimen upang matukoy kung sino ang nasa likod nito, gayundin ay kung may kinalaman ito sa nalalapit na halalan.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with