^

Metro

33K pulis boboto sa local absentee voting - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
33K pulis boboto sa local absentee voting - PNP
Nagsimula nang magsiboto ang ilang mga pulis ng Manila Police District (MPD) sa ipinatutupad na local absentee voting para sa May 12 midterm elections.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 33,000 pulis ang boboto sa ilalim ng Local Absentee Voting para sa National and Local Elections 2025 ng Commission on  Elections (Comelec) na isasagawa hanggang  bukas Abril 30.

“We are not just enforcers of democracy — we are part of it. Voting is not only our right; it is our duty, and one way we show our love for our country,” ani Marbil.

Binigyan diin ni Marbil sa PNP ang kanilang karapatang bumoto sa kabila ng kanilang tungkulin.

Tiniyak din ni Marbil sa publiko na handa na sila sa pagbibigay ng seguridad at responde sa mga voting precints. Aniya, mas pinaigting na nila ang checkpoints, chokepoints, at pagpapatrol upang maiwasan ang anumang karahasan.

Sa katunayan, ilang pulis din ang nagsanay ng election duties bilang paghahanda sa mga hindi inaasahang insidente.

Ang Local Absentee Voting na tatagal hanggang bukas ay para sa mga police officers, soldiers, media workers, at iba pang frontline go­vernment workers  na may trabaho sa araw ng halalan.

Suportado rin ng PNP ang “Kampanya Kontra Bigay” ng Commision on Election (COMELEC) Committee on Kontra Bigay (CKB) kasabay ng panawagan sa botante na maging alerto laban sa vote-buying at vote-selling.  

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with