^

Metro

4 biktima ng trafficking sa Cambodia balik Pinas na

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na nakabalik na sa Pilipinas ang  apat na biktima ng human trafficking matapos na ma-rescue mula sa online scam na trabahaho sa Cambodia.

Ang mga biktima na nasa edad 20 at 30 ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Abril 19 sakay ng Philippine Airlines flight mula Phnom Penh. 

Ang kanilang ligtas na pagbabalik ay pinangasiwaan ng Philippine Embassy sa Cambodia at ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Ang mga biktima ay na-recruit matapos maakit ng makita sa Facebook job ads na nangangako ng mataas na suweldong trabaho bilang mga encoder at customer service staff.

Sa kanilang pagda­ting sa ibang bansa, kinumpiska ang kanilang mga pasaporte at napilitan silang magtrabaho sa mga online na operasyon ng pandaraya—nagpapanggap bilang mga ahente ng FBI o mga romantikong kasosyo sa mga platform ng pakiki­pag-date para manloko ng mga dayuhan.

Ngunit nang ma­bigong maabot ang mga target, pinarusahan, pinahirapan ang mga biktima at kalaunan  ay ibinenta o “inilipat” sa ibang mga sindikato na parang mga kalakal.

TRAFFICKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with