^

Metro

Comelec: OFWs na lumalahok sa internet voting, dumarami

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Unti-unti na umanong dumarami ang bilang ng mga overseas Filipino voters na nakikiisa sa internet voting na idinaraos ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 12 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito ay paghusay sa turnout ng enrollment at voting para sa online voting and counting system (OVCS).

 “So far, habang lumalaon, medyo gu­maganda ang bilang ng mga kababayan natin na nag-papa-enroll at bumoboto. More or less, nag-a-average na ng 10,000. Noong nakaraan kasi nasa 2,000 lang ang nag-e-enroll at bumoboto,” ani Garcia, sa media interview.

Gayunman, may malaki pa rin aniyang discrepancy sa bilang ng  overseas Filipino voters na bumoto at nagpa-enroll sa pre-voting system para sa OVCS.

Kumpiyansa naman si Garcia na “Dahan-dahan din na nawawala ang hinala at apprehension ng mga kababayan natin lalo na naipapaliwanag natin na intact ang boto ninyo, mabe-verify ninyo at ang mismong pagkakaroon ng encrypted data o results ay standard sa IT community.” 

Ang isang buwang overseas voting ay nagsimula noong Abril 13 at nakatakdang magtapos sa Mayo 12, kasabay ng araw ng botohan sa bansa.

Ayon sa Comelec, 77 mula sa 90 diplomatic posts ang lumahok sa kauna-unahang internet voting para sa midterm polls. 

Nasa 16 naman ang gumamit ng automa­ted counting machines (ACMs).

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with