^

Metro

2 pumping station sa Malabon binuksan na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Laban sa baha

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malabon City government na maiibsan na ang pagbaha sa ilang lugar sa lungsod tuwing  maulan kasabay ng pagbubukas ng dalawang bagong pumping stations sa Barangay Baritan at Barangay San Agustin.

“Isang proyekto ang ating binuksan sa barangay na ito upang makatulong sa pagpigil sa pagbabaha sa lugar at masiguro ang kapakanan ng mga Ma­labueño tuwing malakas ang ulan”, ani Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.

Ayon kay Sandoval, ang makabagong pasilidad ay kasiguraduhan na  hindi na papa­sukin ng tubig ang mga kabahayan. Kailangan lamang aniya ng kooperasyon at bayanihan ng mga residente ng Malabon sa mga programa at operasyon tuwing may kalamidad.

Layon din ng City Engineering Department (CED) na magkaroon ng flood control structure efficiency sa  Sto. Rosario Village, Brgy. Britan at sa panulukan ng C. Arellano at Garcia Streets sa  Brgy. San Agustin sa modernisasyon ng mga pum­ping station na kokontrol sa mga pagbaha; floodgates at pagsasaayos ng mga drainage.

“Sa ating patuloy na pagsasagawa ng mga proyektong kagaya nito, nais natin mailapit sa mga Malabueño ang mga serbisyo para sa kaligtasan na tunay ngang mahalaga”, ani City Administrator Dr. Alexander Rosete.

STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with