^

Metro

7 pulis Parañaque pinaaaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
7 pulis Parañaque pinaaaresto
Ang akusasyon ng 25-anyos na  negosyanteng Chinese national, sa pamamagitan ng isang interpreter, ay idinulog sa Parañaque Police headquarters at agad inaksiyunan ni NCRPO chief PBGen. Anthony Aberin.
STAR/File

Chinese trader kinotongan

MANILA, Philippines — Pitong pulis kabilang ang dalawang opis­yal ng Sto. Niño Police Substation 3 ng ­Pa­rañaque Police Station ang ipinaaaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos isumbong ng isang dayuhang negos­yante ng pangingikil ng P100,000 para i-release ang kaniyang sasakyan, noong Huwebes ng gabi.

Ang akusasyon ng 25-anyos na  negosyanteng Chinese national, sa pamamagitan ng isang interpreter, ay idinulog sa Parañaque Police headquarters at agad inaksiyunan ni NCRPO chief PBGen. Anthony Aberin.

Lumalabas na nangyari ang insidente sa  Macapagal Boulevard dakong alas-7:30 ng gabi ng Abril 24, 2025. Pinara ng mga pulis ang sasakyan ng complai­nant sa itinayong checkpoint, at nang hanapan ng dokumento ay sinabihan umano siyang peke ang ipinakita at siya ay dinala sa pre­sinto.

Sa pagnanais na mailabas sa kustodiya ng mga pulis ang sasakyan, pumayag ang complainant na magbigay ng P100,000 mula unang napagkasunduan na  P300, 000.

Ayon kay Aberin, bukod sa kasong administratibo na may maximum penalty na ma-dismiss sa serbisyo, isinailalim na ang pito sa inquest proceedings sa Pa­rañaque City Prosecutor’s Office para sa kasong robbery/extortion.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with