^

Metro

Lalaki huli sa pamba-blackmail sa ex GF

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lalaki huli sa pamba-blackmail sa ex GF
Hindi na nakapalag pa ang suspek na si “Omar”, 24 nang dakpin ng mga tauhan ng Northern District Anti-Cybercrime Team (NDACT) conducted an entrapment operation sa Cubao, Quezon City bandang alas-12:15 ng madaling araw nitong Huwebes bunsod na rin ng reklamo ng 25-anyos na biktima.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

Nude photos pinadala sa pamilya

MANILA, Philippines — Arestado sa entrapment operation ang isang lalaki sa lungsod ng Quezon nitong Huwebes matapos umanong i-blackmail ang dating kasintahan na ilalabas ang mga hubad na larawan kung hindi magbibigay ng pera.

Hindi na nakapalag pa ang suspek na si “Omar”, 24 nang dakpin ng mga tauhan ng Northern District Anti-Cybercrime Team (NDACT) conducted an entrapment operation sa Cubao, Quezon City bandang alas-12:15 ng madaling araw nitong Huwebes bunsod na rin ng reklamo ng 25-anyos na biktima.

Ayon sa biktima, ­Enero 2025 nang magkakilala sila ng suspek sa  Facebook at naging magkasintahan.

Marso 19, 2025 nang magsimula ang kanilang pag-aaway nang tumanggi siyang makipagtalik sa suspek. Tinakot siya ng suspek na papatayin ang kanyang kapatid at pamilya kung hindi magbibigay ng pera.

Dahil sa pag-aaway at walang komunikasyon inakala ng biktima na tapos na ang pangha-harass ng suspek.

Laking gulat niya nang Abril 22 ay nakatanggap ng kanyang mga nude photos ang kanyang pamilya. Agad niyang kinontak ang suspek at nagmakaawang burahin ang mga larawan.

Sinabihan siya ng suspek na magbigay ng P14, 000 bilang bayad sa umano’y kanyang utang at kung hindi ay magpapadala pa ng mga larawan sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Nagpatuloy pa ang pananakot ng suspek sa biktima at sinabihan ang biktima na makipagkita sa kanya sa isang hotel at P5,000 na lamang ang ibigay sa halip na P14,000.

Dala ng matinding takot, agad na nagpasaklolo sa NDACT ang biktima at isinagawa ang entrapment operation.

Nahaharap sa kasong paglabag sa  Article 286 (Grave Coercion) at Article 294 (Robbery with Intimidation of Persons) ng Revised Penal Code, RA No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act), RA No. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act), at RA No. 11313 (Safe Spaces Act), na may kaugnayan sa  Section 6 ng RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act) si “Omar”.

Pinuri naman ni BGen. Bernard R. Yang, Acting Director  ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang NDACT sa matagumpay na operasyon laban sa suspek.

“Blackmailing and threatening an individual using photos and videos with explicit content is a serious crime. We are committed to protecting victims and ensuring that perpetrators face the full force of the law”, ani Yang.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with