^

Metro

PHLPost maglalabas ng stamp ni Pope Francis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine Postal (PHLPost) Postmaster General Luis Carlos na maglalabas  sila ng  stamp nagtatampok sa namayapang si Pope Francis.

Sinabi ni  Carlos, na nasa proseso na ng pag-uusap para sa disenyo ng Pope Francis Stamp na posibleng mailabas sa susunod na linggo.

Aniya, nagkaroon na ng inisyal na Stamp Committee meeting at naipresenta na ang naturang plano.

Kailangan lamang ani­ya, na makumpleto kung ano ang magiging disen­yo bago ma-imprenta.

Umaasa si Carlos na tatangkilin ng tao ang Pope Francis stamp na iimprenta nila mula 5,000 hanggang 10,000 kopya.

Una nang naglabas ang PHLPost ng mga stamp na nagtatampok kay Pope Francis.

Nakagawa ang natu­rang opisina ng hanggang 90,000 kopya na labis ding tinangkilik ng mga Pilipino.

PHLPOST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with