^

Metro

BI pinag-iingat mga Pinoy sa ibang bansa vs human trafficking

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
BI pinag-iingat mga Pinoy sa ibang bansa vs human trafficking
Ang babala ni Viado ay kasunod ng pagpapauwi sa isang biktima ng trafficking na umalis ng bansa sa pamamagitan ng illegal migration corridor o tinatawag na backdoor, sakay ng isang bangka mula Tawi-Tawi.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Nagbabala si Immigration Commissioner Joel Anthony Viado sa publiko laban sa isang human trafficking scheme na kinasasangkutan ng mga Pilipinong nasa ibang bansa na naloko upang magtrabaho bilang mga online scammers na target ang mga Japanese national.

Ang babala ni Viado ay kasunod ng pagpapauwi sa isang biktima ng trafficking na umalis ng bansa sa pamamagitan ng illegal migration corridor o tinatawag na backdoor, sakay ng isang bangka mula Tawi-Tawi.

Nailigtas ang biktima sa tulong ng Philippine Embassy sa Cambodia at ngayon ay nasa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Traffic­king (IACAT).

Ibinahagi ng biktima, isa sa 26 na pinauwi noong Abril 16, na siya ay na-recruit ng isang dayuhan at inutusang lumabas ng Pilipinas sa pamamagitan ng maliit na bangka sa Tawi-Tawi patungong Malaysia. Napunta siya sa Brunei, Bangkok, at Laos, bago napunta sa Myanmar at Cambodia.

Noong una ay kinuha bilang isang Japanese translator, kalaunan ay napilitan siyang magtrabaho sa mga operasyon ng scam na may kaugnayan sa crypto na partikular na naka-target sa mga indibidwal na Japanese. Sa kabila ng mga pangako ng regular na suweldo, nakatanggap lamang siya ng isang beses na suweldo na USD 2,500.

IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with