Solo parents, libre sa MRT-3 at LRT-2 sa Abril 26

MANILA, Philippines — May libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga solo parents sa bansa Sabado, Abril 26.
Ito’y bilang pakikiisa ng mga naturang rail lines sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week at bunsod na rin ng kahilingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nabatid na maaaring ma-avail ng mga solo parents ang free ride mula alas-7 hanggang 9 ng umaga at mula alas-5 hanggang 7 ng gabi.
Kinakailangan lamang umano ng mga solo parents na iprisinta ang kanilang solo parents ID sa mga istasyon ng MRT-3 at LRT-2 kung saan sila sasakay para makasakay ng libre.
Bukod naman sa libreng sakay, magkakaroon rin doon ng one-stop shop caravan kung saan maaaring makapagparehistro ang mga solo parents o di kaya ay makapag-renew ng kanilang solo parent cards.
- Latest