Tiyuhin, ipinagtanggol Trike driver todas sa sariling pamangkin
MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang patay nang pagsasaksakin ng sariling pamangkin sa loob ng kanilang tahanan sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi, matapos umano nitong ipagtanggol ang kanyang tiyuhin.
Idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marcelino Añasco, 57, ng Aguinaldo St., sa Tondo dahil sa tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang sugatan naman ang kapatid nito na si Arturo Añasco, 59, construction worker, na pinalo ng tubo at sinaksak ng suspek na si Romeo Añasco, 31.
Sa imbestigasyon, ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nabatid na naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Tondo.
Nauna rito, sa ‘di pa batid na kadahilanan ay kinumpronta umano ni Marcelino ang kuya na si Arturo, na humantong sa pagpalo nito ng tubo at pagsaksak sa kapatid.
Nakita namam ni Romeo ang nangyari kaya’t tinulungan nito si Arturo. Sinugod ni Romeo si Marcelino at saka pinagsasaksak at mabilis na tumakas.
Nagsagawa naman ng follow-up operation ang pulisya at nadakip si Romeo.
- Latest